Miyerkules, Oktubre 1, 2014

Siya'y tila isang UNOS



Sa kanyang paglalakad sa pasilyo ng paaralan. Makikita ang paghawi ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa kanyang dadaanan. hindi siya isang panauhin ng eskwelahan kundi isa sa mga gurang kinatatakutan ng karamihan. Mula sa pagtindig sa harapan,sa pagkilos ng nararapat at maging sa pananalita ay mababatid na respetado siya ng mga mag-aaral.

Isang malakas na unos kung siya'y aking ituring dahil sa isang iglap malaki ang naidulot nya sa akin. unti-unti nyang binago ang aking  pananaw sa buhay. Nagkaroon ako ng higit na interes sa aking pagaaral at dahil rin sa kanya natuto akong mangarap ng mataas na alam ko sa sarili kong maaabot ko sa tulong nga mga salitang kanyang binitawan noong kami pa ang kanyang hinahawakan. Naaalala ko pa ang panahon na kasama pa namin siya. halos araw-araw bumabaha ng mga makakahulugang salitang kanyang binibitawan sa loob ng aming silid-aralan, na naging inspirasyon upang ako'y magaral ng mabuti.Malakas na hangin din ang aking nararamdaman sa tuwing siya'y dumadating ngunit hindi ako nababahala dahil alam kong iyon ang simbolo ng pagmamahal niya sa amin.

Ngayon, hindi na siya ang aming tagapagpayo pero nandito pa rin sya sa aking puso,naiwan din ang matinding epektong naidulot niya sa akin. Unos na dumaan saglit sa aking buhay na nagdulot ng matinding pagbabago sa buo kong pagkatao.Mr. Fernando Timbal, na dati'y aking kinatatakutan. Ako'y sumasaludo sayong kasipagan. Tunay ngang ikaw ang halimbawa ng isang gurong aming tagapagligtas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento