Talinghaga :
Mga salita, parirala o pangungusap na may malalim na kahulugan . Kailangang pagisipang mabuti upang maunawaan. Nabibilang ditto ang mga tayutay , idyoma, at parabula.
Ang idyoma
ay mga salitang may malalim na kahulugan , ito ay madalas na maririnig sa mga matatanda .
Halimbawa ng mga Idyoma :
· Anak Pawis – Manggagawa
· Isulat sa tubig – Kalimutan
· Haligi ng tahanan – ama
· Kabiyak ng dibdib – asawa
· Balat sibuyas – maramdamin
Parabula
Ito ay mula sa salitang griyego na “parabole” na nangangahulugang dalawang bagay na maaaring tao , bagay , hayop, lugar o pangyayari. Ito ay makatotohanang pangyayari na naganap noong panahon ni Jesus .
Ito rin ay nagtuturo sa atin upang gawin natin ang karapat dapat na kilos sa bawat sitwasyon.
katangian ng Parabula
· Isang maikling kwento na naglalarawan ng isang unibersal na katotohanan ; ito’y payak na salaysay.
· Tinutukoy nito nito ang tagpuan, inilalarawan ang aksyon at ipinakikita ang resulta.
· Kadalasan ang parabola ay tungkol sa isang tauhang gumawa ng isang maling desisyon na humaharap sa isang suliraning moral o kaya isang tauhang gumawa at nagdurusa sa mga hindi inaasahang resulta.
· May malalim na kahulugan
· Gumagamit ng mga wikang metaporikal
· Nakapaloob ang mahihirap at komplikadong kaisipan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento