Biyernes, Enero 9, 2015

Repleksyon III

    Ngayong linggo ay nagbalik aral kami tungkol sa pagpapasidhi ng damdaamin.tinalakay din namin ang Sanaysay,elemento nito,pati na rin ang uri ng apat na teksto.Sumunod ay ang synopsis at pangangatwiran.

Pangangatwiran

   ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhanang kanilang pananalig o ppaniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pamamayag.

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN

1.) Mabigayang linaw ang isang mahalaga at napapanahong usapin at isyu.
2.) Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3) Makapagbahagi ng kanyang kaalaman bilang tao.
4) Maipahayag ang sariling saloobin o pananaw.
5.) Mapanatili ang maayos na ugnayan sa kapwa.

Synopsis

    Ang synopsis ay isang maikling kabuuan ng mahahalagang bahagi ng isang akda.Nagbibigay ito ngmga impormasyon tulad ng banghay,tema,paglalarawan sa mga tauhan,tagpuan sa paraang malinaw,tiyak,di maigoy upang ipakita ang kabuuan ng nobela.Sa pamamagitanng synopsis nagkakaroon tayo ng mga kaalaman kung tungkol saan ang nobelang babasahin o aklat na bibilhin.
   Nakababagot basahin ang synopsis na ganito ang takbo "Ang unang pangyayari......pagkatapos.......susunod....." Hindi dapat na isa-isa ang paglalarawan ng mga pangyayari kundi paano maipapasok ang emosyon sa bawat pangyayari,paghihintay,pagkatakt,pagkalungkot,pag-asa,pananabik at iba pa.

Sanaysay

SANAYSAY

     Ang sanaysay ay mula sa pariralang salaysay ng isang sanay.Ito ay ayon kay Alejandro Abadilla ang ama ng naturang katawagan.
     Ang sanaysay ay tuluyang kathang agham na naglalahad ng kaalaman,kuro-kuro o damadamin sa isang maluwag,maguni-guni,pansarili,di-tapos,at di ganap na pamamaraan.
   
   ELEMENTO
1.) PAKSA- May nilalayon at sentro ng ideya ng buong akda.Nakapaloob din ang saloobin ng may akda sa paksa.
2.)TONO- Maaring ang himig ay natutuwa,nasisiyahan,nagagalit,sarkastiko,naiinis,nahihiya at iba pa.
3.)KAISIPAN- Kailangan may mensaheng ipaparating sa mga mambabasa.Ang kaisipan ng akda ay hindi tuwirang binabanggitkundi ginagamitan ng pahiwatig para mailahad ito.

       Sa pagbuo ng isang sanaysay ay kinakailangang may pamaksang pangungusap at mga pantulong na pangungusap upang maging maliwanag ang mensahe nito.
      Ang pamaksang pangungusap ay tinatawag na pangunahing ideya.Ito ay ipinahahayag nang tuwiran sa loob ng talata.