SANAYSAY
Ang sanaysay ay mula sa pariralang salaysay ng isang sanay.Ito ay ayon kay Alejandro Abadilla ang ama ng naturang katawagan.
Ang sanaysay ay tuluyang kathang agham na naglalahad ng kaalaman,kuro-kuro o damadamin sa isang maluwag,maguni-guni,pansarili,di-tapos,at di ganap na pamamaraan.
ELEMENTO
1.) PAKSA- May nilalayon at sentro ng ideya ng buong akda.Nakapaloob din ang saloobin ng may akda sa paksa.
2.)TONO- Maaring ang himig ay natutuwa,nasisiyahan,nagagalit,sarkastiko,naiinis,nahihiya at iba pa.
3.)KAISIPAN- Kailangan may mensaheng ipaparating sa mga mambabasa.Ang kaisipan ng akda ay hindi tuwirang binabanggitkundi ginagamitan ng pahiwatig para mailahad ito.
Sa pagbuo ng isang sanaysay ay kinakailangang may pamaksang pangungusap at mga pantulong na pangungusap upang maging maliwanag ang mensahe nito.
Ang pamaksang pangungusap ay tinatawag na pangunahing ideya.Ito ay ipinahahayag nang tuwiran sa loob ng talata.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento