Giselle Rejano
Biyernes, Marso 20, 2015
Para sa iyo
Unang tapak mo pa lang sa aming silid-aralan ay di ko inakalang ika'y aking hinusgahan dahil lahat naman ng tao ganoon ang ginagawa sa mga taong una pa lang nilang nakita. Sabi ko sasarili ko na masungit at strikto ka ngunit napalitan yun noong nakasama ka namin atnagsilbing guro sa Filipino.May mga pagkakataon na ika'y nagagalit,natutuwa at minsan naman tinatama mo ang bawat pagkakamali namin kahit yung simpleng pangunngusap at salita na mali ay iyong itatama kaya nagustuhan po kita.Ginagampanan mo ang pagiging isang guro mo. Sayo ko din po natutunan ito! ang guma wa ng blog at magisip ng kailangang ilagay dito kaya nga po inaabot ako ng ilang oras dahil sa pagiisip atnatatakot po ako na baka magkamali ang ibang salita at iyong mapuna subalit napaisip ako na bakit ako matatakot na magkamali kung mayisang tao naman na handang itama iyon at matuto ako sa mali ko. Kaya po para sa iyo toGusto ko lang po na sabihin na huwag kangmagbago, ipagpatuloy niyo po ang mga nasimulan niyo at huwag sumuko kahit na maraming problema ang iyong hinaharap.Mahal ka po namin at naging parte ka po ng buhay ko kaya ikaw ay mahalaga sa akin.Maraming salamat sa lahat-lahat pati ang mga kaalaman na ibinahagi mo ay aking lilikumin at gagamitin upang sa ganoon ay maging matagumpay ako sa hinaharap kaya maraming salamat po di po kita makakalimutan.
K-12! Ano nga ba para sa akin?
Naaalala ko pa noong nasa ika-anim na baitang
ako usap usapan ang "k-12 curriculum" na
kinaayawan ko dahil sa mga taong nagsasabing
pangit daw yun, na papahirapan lang kaming
mga estudyante kaya may oras din na ngamba
ako na baka totoo ang sinasabi nila at akala ko
nung papasok na ako sa Mambugan NHS
matatawag ako bilang isang hayskul ngunit
nagkamali ako. Ako pala ay isang estudyanteng
nasa ika-pitong baitang kaya ang pumasok sa
isip ko ay natuloy ang binalak na curriculum.
Sa una ayaw ko dahil nahihirapan ako sa
kakulangan ng batayang aklat dahil wala pa
daw yung bagong libro.Lumipas ang
araw,buwan at taon,ngayon magaapat na taon
na ako sa paaralang pinapasukan ko at kasabay
noon ang unti-unti kong pagtanggap sa K-12
Curriculum.nagustuhan ko ito dahil mas
lumawak ang kaalaman namin at mas 'advance'
yung mga pinagaaralan namin.Nakakastress
man dahil sa dami ng ginagawa ngunit
natutuwa pa rin ako at may malaki itong
naitulong sa akin. May mabuting dulot din pala
ang pagpapalit ng Curriculum at masaya ako
dahil ako ay isa sa mga estudyanteng
pinagpalang makaranas nito.Napagtanto ko rin
na dapat huwag natin intindihin at huwag
tayong mangamba sa mga sinasabi ng iba kapag
di pa natin ito nasusubukan o nararanasan.
Di malilimutang karanasan
Naaalala ko pa yung mga panahong
labis ang aking pagaalala dahil sa mga tanong sa aking isipan noong pasukan.
Tulad ng kung masungit ba ang aming mga magiging guro,kung magiging masaya ba
ang taon namin sa ika-9 na baitang at marami pang iba. Oras,araw at mga buwan
ang lumipas maraming bagay ang nangyari,maraming pagsubok at problemang
dumating sa amin ngunit walang sumuko dahil alam naming malalagpasan namin ang
mga iyon. May kataga pa nga kaming ginawa yun ay ang "Walang Titibag"
at amin itong pinaninindigan. Naalala ko rin yung mga panahong grabe ang aming
pagkagahol dahil sa dami ng mga pelikulang kailangan naming gawin. Mga
aktibidad sa paaralang kailangan naming tapusin na kahit sabado o mga araw na
wala kaming pasok ay may ginagawa pa rin kami. Naisip ko nga na nawawalan na
kami ng oras para sa ibang bagay dahil sa mga gawaing pampaaralan.
Kaya naman bawat segundo ay
mahalaga sa amin at dapat di sayangin upang madali kaming matapos. Hindi ko rin
masabi kung nagsasawa ba kami sa isa't-isa dahil simula pa lang ng hayskul ay
magkakaklase na kami pero ganun pa rin,walang nagbago siguro'y masaya kami at
komportable sa isa't-isa. Sa mga Guro ko naman, akala ko nung una masusungit
ngunit sa paglipas ng buwan mas lalo ko sila nakilala, nalaman kung ano ang mga
katangian nila at naramdaman ko rin kung paano nila pinaparamdam sa amin kung
gaano kami kahalaga sa kanila kaya naman hindi ko sila makakalimutan pati ang
mga aral na kanilang tinuro sa amin at baka sa hinaharap ay amin itong magamit.
Kaya sa pagtatapos ko sa ika-9 na baitang hindi ko makakalimutan ang mga
masasayang pangyayari sa taong ito dahil siguro dito ko naramdaman ang huwag
sumuko, patuloy na lumaban,yung tumawa sa kabila ng maraming gawain,naging
malungkot at lahat ng dapat kong maramdaman. Dito ko
rin naranasan ang mging isang estudyanteng 'Cheff' na Artista pa.Nakakatuwang
isipin na sa loob ng ilang buwan naranasan ko kung paano hatiin ang oras ko sa
sobrang dami ng 'Schedule' at 'stress'. Naalala ko pa nga yung araw na
nagbebake ako pagkatapos nagshoshooting. Kaya napakahalaga ang mga alalang
nagawa ko sa taong ito kasama ang mga guro,kaklase at aking pamilya at ang
paaralang naging aking pangalawang tahanan ang naging saksi sa tuwa,galak,at
lungkot na aking naranasan. Malungkot man dahil sa loob ng ilang araw ay
matatapos na ang pagiging isang Grade 9 ko at sa sudunod na pasukan ay isa na
ako sa magsisilbing ate ng paaralan kaya ang mga alaala na aming nabuo kasama ng
mga taong nakapaligid sakin ay patuloy kong babaunin at aalalahanin ito at
mananatili ito sa aking puso't isipan gusto ko din na kapag dumating ang
panahon na isa na akong matagumpay na tao ay babalikan ko ang mga alaalang
ito.Kaya ipagpapatuloy ko ang aking mga nasimulan at bumuo pa ng mga alaala
kasama ang mga taong mahal ko at ng mga taong dadating pa sa buhay ko.
Linggo, Marso 15, 2015
Ikasiyam na Linggo
Dalawang araw ang nilaan para sa pagsusulit namin kaya naman wala kaming klase ng araw ng Martes.nang mga sumunod na araw ay tinalakay namin ang tungkol Kay Maria Clara.Nagkaroon din ng pagkukumpara sa mga babae noon at ngayon at kung paano kinagigiliwan ng mga dayuhan ang mga Pilipina. Nagkaroon din kami ng pangkatan patungkol sa kanya.Masasabi ko rin na mas maganda ang buhay ng mga kababaihan noon kaysa ngayon dahil noon ay may respeto pang natatanggap ang mga babae sa lipunan kahit wala sila boses para tumutol at humadlang sa mga bagay-bagay at isang malaking karangalan pag ikaw ay tinawag ng Maria clara sa Panahon ngayon dahil Isa ka sa mga kinakailangang irespeto at ingatan ng lipunan Kung nagkataon.Sa modernong Panahon at makanagong teknolohiya ngayon ay bihira mo na Lang makikita ang mga kauri ni Maria Clara.
Binigyan din kami ng tatlong tanong;
1. Paano ba maipapakita ang tunay na pagmamahal?
>> maraming pamamaraan upang maipakita ang tunay na pagmamahal Hindi lamang sa kasintahan,kaibigan at pamilya kundi pati sa ating bayan.Nariyan yung handa Mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa iyong minamahal Kahit na alam mong ika'y masasaktan.Tulad ng ginawa ni Maria Clara na pagpapalayang Kay linares para Lang maligtas Si Ibarra.Yung mas Pinili ni Elias ang bayan kaysa sumama Kay Salome dahil mas inisip Niya ang kapakanan ng kanyang minamahal.
>>pagpapakita din ng tunay na pagmamahal Yung Kahit wala kayong komunikasyon at malayo sa isa't-isa ay nananatili pa rin ang tiwala niyong dalawa Tulad Nina Ibarra at Maria Clara na Kahit magkalayo sila ay patuloy silang nagmamahalan.
2. Bakit Sinisimbolo ni Maria Clara ang mga katangian ng isang tunay na Pilipina Kung sa nobela siya ay inilarawan bilang isang maahinang babae?
>> dahil sa mga katangian ni Maria Clara sa nobela na tunay na nilahad at pinakita sa nobela Tulad ng mahinhin,mayumi at lahat ng magandang katangian ng isang babae Kahit Ida siyang mahinang babae ay nasa kanya pa rin ang pagiging isang tunay na Pilipina.
3.masasabi bang Si Sisa ay isang ulirang Ina?
>> opo,dahil Kahit na nabaliw siya ay Hindi nawala sa kanyang puso't isipan Si basilio at Crispin.
Ikawalong Linggo
Mga kabanatang may kaugnayan naman Kay Maria Clara at Sisa ang aming pinagusapan sa linggong Ito. Sisa ang isang mapagmahal na Ina at ang tanging kasalanan ay magkaroon ng malupit na asawa.Sinisimbolo ang larawan ng kawalan ng katarungan sa bansa at Kung paano Ito inabuso ng mga kastila. Maria Clara Mayuming kasintahan ni Ibarra at anak ni Padre Damaso Kay Donya Pia. Siya rin ay mutya ng San Diego.Sinisimbolo ang katangian ng tunay ng mga Pilipina. Sa dalawang tauhan na Ito ay labis akong napahanga sa katapangan na kanilang ginawa sa Kabila ng kanilang mahinang kakayahan sa nobela.
Ikapitong Linggo
Mga kabanatang may kaugnayan naman Kay Salome at Elias ang aming tinalakay upang mas lalo naming maintindihan ang buhay pagibig ni Elias.Naintindihan ko na tama lamang ang ginawa ni Elias na Hayaan na lamang Si Salome na umalis at pumuntang Mindoro upang sa ganon ay Di na madamay pa sa mga kaguluhan sa San DiegoSi Elias din ay katulad ni Ibarra na panagkait ang kapalarang makasama ang kanilang minamahal.Masasabi din na Pareho silang tapat na mangingibig. Si Crisostomo ay tapat Kay Maria Clara at Si Elias ay tapat sa kanyang bayan na handang mamatay makamit lang ang kalayaang inaasam.
Ikaanim na Linggo
Naging makulay at kapana-panabik ang linggong Ito dahil Kahit na kaunti Lang kami sa loob ng silid dahil ang Iba ay may ginagawa ay naging maganda naman dahil Nagkaroon kami ng Mock Trial Ito ay paglilitis Kay Ibarra at Elias tungkol sa pagpapalayang ginawa ni Elias Kay Ibarra bawat panig ay may mga abogado na magtatanong at maglilitis sa dalawang tauhan.pagkatapos ay nagbigay ng komento ang aming Guro patungkol doon.Pinanood din namin ang mga trailer na ginawa ng bawat pangkat kaugnay sa mga kabanata na kanilang Pinili.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)