Crisostomo Ibarra- nangarap makapagpatayo ng paaralan,tapat na mangingibig,at binatang nakapagaral sa Europa.
Elias- piloto at magsasakang tumulong Kay Ibarra para makalaya sa kanilang bayan at mga suliranin.
Kapitan Tyago-mangangalakal na taga-Binondo;Ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso- isang kurang pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na Panahon sa San Diego.
padre Salvi- kurang pumalit Kay padre Damaso,Nagkaroon ng lihim na pagtatangi Kay Maria Clara
Maria Clara-Mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra
Pilosopo Tasyo- Maalam na matandang tagapayo ng marunong na mayayaman sa San Diego
Sisa- isang masintahing ina na ang tanging pagkakamali ay ang magkaroon ng malupit na asawa.
Basilio at Crispin- magkapatid na anak ni Sisa mga sakristan.
Alperes- ang kaagaw ng kura sa kapangyarihan
Tiya Isabel- hipag ni Kapitan Tyago na tumulong sa pagpapalaki Kay Maria Clara.
Donya Consolacion- napangasawa ng alperes,dating labandera na may malaswang pananalita at paguugali.
Donya Victorina- babaeng nagpapanggap na meztisang kastila Kung kaya't abo't abo't ang kolorete sa mukha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento