Biyernes, Marso 20, 2015

K-12! Ano nga ba para sa akin?

Naaalala ko pa noong nasa ika-anim na baitang ako usap usapan ang "k-12 curriculum" na kinaayawan ko dahil sa mga taong nagsasabing pangit daw yun, na papahirapan lang kaming mga estudyante kaya may oras din na ngamba ako na baka totoo ang sinasabi nila at akala ko nung papasok na ako sa Mambugan NHS matatawag ako bilang isang hayskul ngunit nagkamali ako. Ako pala ay isang estudyanteng nasa ika-pitong baitang kaya ang pumasok sa isip ko ay natuloy ang binalak na curriculum. Sa una ayaw ko dahil nahihirapan ako sa kakulangan ng batayang aklat dahil wala pa daw yung bagong libro.Lumipas ang araw,buwan at taon,ngayon magaapat na taon na ako sa paaralang pinapasukan ko at kasabay noon ang unti-unti kong pagtanggap sa K-12 Curriculum.nagustuhan ko ito dahil mas lumawak ang kaalaman namin at mas 'advance' yung mga pinagaaralan namin.Nakakastress man dahil sa dami ng ginagawa ngunit natutuwa pa rin ako at may malaki itong naitulong sa akin. May mabuting dulot din pala ang pagpapalit ng Curriculum at masaya ako dahil ako ay isa sa mga estudyanteng pinagpalang makaranas nito.Napagtanto ko rin na dapat huwag natin intindihin at huwag tayong mangamba sa mga sinasabi ng iba kapag di pa natin ito nasusubukan o nararanasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento