Biyernes, Marso 20, 2015

Di malilimutang karanasan

Naaalala ko pa yung mga panahong labis ang aking pagaalala dahil sa mga tanong sa aking isipan noong pasukan. Tulad ng kung masungit ba ang aming mga magiging guro,kung magiging masaya ba ang taon namin sa ika-9 na baitang at marami pang iba. Oras,araw at mga buwan ang lumipas maraming bagay ang nangyari,maraming pagsubok at problemang dumating sa amin ngunit walang sumuko dahil alam naming malalagpasan namin ang mga iyon. May kataga pa nga kaming ginawa yun ay ang "Walang Titibag" at amin itong pinaninindigan. Naalala ko rin yung mga panahong grabe ang aming pagkagahol dahil sa dami ng mga pelikulang kailangan naming gawin. Mga aktibidad sa paaralang kailangan naming tapusin na kahit sabado o mga araw na wala kaming pasok ay may ginagawa pa rin kami. Naisip ko nga na nawawalan na kami ng oras para sa ibang bagay dahil sa mga gawaing pampaaralan.

Kaya naman bawat segundo ay mahalaga sa amin at dapat di sayangin upang madali kaming matapos. Hindi ko rin masabi kung nagsasawa ba kami sa isa't-isa dahil simula pa lang ng hayskul ay magkakaklase na kami pero ganun pa rin,walang nagbago siguro'y masaya kami at komportable sa isa't-isa. Sa mga Guro ko naman, akala ko nung una masusungit ngunit sa paglipas ng buwan mas lalo ko sila nakilala, nalaman kung ano ang mga katangian nila at naramdaman ko rin kung paano nila pinaparamdam sa amin kung gaano kami kahalaga sa kanila kaya naman hindi ko sila makakalimutan pati ang mga aral na kanilang tinuro sa amin at baka sa hinaharap ay amin itong magamit. Kaya sa pagtatapos ko sa ika-9 na baitang hindi ko makakalimutan ang mga masasayang pangyayari sa taong ito dahil siguro dito ko naramdaman ang huwag sumuko, patuloy na lumaban,yung tumawa sa kabila ng maraming gawain,naging malungkot at lahat ng dapat kong maramdaman. Dito ko rin naranasan ang mging isang estudyanteng 'Cheff' na Artista pa.Nakakatuwang isipin na sa loob ng ilang buwan naranasan ko kung paano hatiin ang oras ko sa sobrang dami ng 'Schedule' at 'stress'. Naalala ko pa nga yung araw na nagbebake ako pagkatapos nagshoshooting. Kaya napakahalaga ang mga alalang nagawa ko sa taong ito kasama ang mga guro,kaklase at aking pamilya at ang paaralang naging aking pangalawang tahanan ang naging saksi sa tuwa,galak,at lungkot na aking naranasan. Malungkot man dahil sa loob ng ilang araw ay matatapos na ang pagiging isang Grade 9 ko at sa sudunod na pasukan ay isa na ako sa magsisilbing ate ng paaralan kaya ang mga alaala na aming nabuo kasama ng mga taong nakapaligid sakin ay patuloy kong babaunin at aalalahanin ito at mananatili ito sa aking puso't isipan gusto ko din na kapag dumating ang panahon na isa na akong matagumpay na tao ay babalikan ko ang mga alaalang ito.Kaya ipagpapatuloy ko ang aking mga nasimulan at bumuo pa ng mga alaala kasama ang mga taong mahal ko at ng mga taong dadating pa sa buhay ko.


        

1 komento:

  1. Wynn Casino & Hotel - Mapyro
    › hotel-casinos 삼척 출장마사지 › hotel-casinos Find the 경기도 출장마사지 Wynn Casino & 천안 출장샵 Hotel in Las Vegas (Nevada), USA and other United States. Get reviews 경상남도 출장샵 and information for rooms, restaurants, nightlife, 순천 출장마사지

    TumugonBurahin