Linggo, Marso 15, 2015

Ikasiyam na Linggo

       Dalawang araw ang nilaan para sa pagsusulit namin kaya naman wala kaming klase ng araw ng Martes.nang mga sumunod na araw ay tinalakay namin ang tungkol Kay Maria Clara.Nagkaroon din ng pagkukumpara sa mga babae noon at ngayon at kung paano kinagigiliwan ng mga dayuhan ang mga Pilipina. Nagkaroon din kami ng pangkatan patungkol sa kanya.Masasabi ko rin na mas maganda ang buhay ng mga kababaihan noon kaysa ngayon dahil noon ay may respeto pang natatanggap ang mga babae sa lipunan kahit wala sila boses para tumutol at humadlang sa mga bagay-bagay at isang malaking karangalan pag ikaw ay tinawag ng Maria clara sa Panahon ngayon dahil Isa ka sa mga kinakailangang irespeto at ingatan ng lipunan Kung nagkataon.Sa modernong Panahon at makanagong teknolohiya ngayon ay bihira mo na Lang makikita ang mga kauri ni Maria Clara.

      Binigyan din kami ng tatlong tanong;
1. Paano ba maipapakita ang tunay na pagmamahal?
>> maraming pamamaraan upang maipakita ang tunay na pagmamahal Hindi lamang sa kasintahan,kaibigan at pamilya kundi pati sa ating bayan.Nariyan yung handa Mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa iyong minamahal Kahit na alam mong ika'y masasaktan.Tulad ng ginawa ni Maria Clara na pagpapalayang Kay linares para Lang maligtas Si Ibarra.Yung mas Pinili ni Elias ang bayan kaysa sumama Kay Salome dahil mas inisip Niya ang kapakanan ng kanyang minamahal.
>>pagpapakita din ng tunay na pagmamahal Yung Kahit wala kayong komunikasyon at malayo sa isa't-isa ay nananatili pa rin ang tiwala niyong dalawa Tulad Nina Ibarra at Maria Clara na Kahit magkalayo sila ay patuloy silang nagmamahalan.

2. Bakit Sinisimbolo ni Maria Clara ang mga katangian ng isang tunay na Pilipina Kung sa nobela siya ay inilarawan bilang isang maahinang babae?
>> dahil sa mga katangian ni Maria Clara sa nobela na tunay na nilahad at pinakita sa nobela Tulad ng mahinhin,mayumi at lahat ng magandang katangian ng isang babae Kahit Ida siyang mahinang babae ay nasa  kanya pa rin ang pagiging isang tunay na Pilipina.

3.masasabi bang Si Sisa ay isang ulirang Ina?
>> opo,dahil Kahit na nabaliw siya ay Hindi nawala sa kanyang puso't isipan Si basilio at Crispin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento