Linggo, Marso 15, 2015

Unang Linggo

     Sabik ako sa unang araw ng ikaapat na markahan dahil sasabihin ng aming Guro ang tungkol sa produktong kinakailangan naming gawin at yun ay ang Movie Trailer at Short Film kung saan ay kukuha kami ng isang kabanata sa Noli Me Tangere at gagawin namin itong palabas. Tinalakay din namin ang tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Nagmula sa salitang paligid na ang ibig sabihin ay ang pagkabuo ng isang akda.

A. Pagbagsak ng Espanya bilang kolonisador
1.pagkalugi ng Galeon Trade
>> ito ay dahil sa mga pirata.
2. Paghihiwalay ng mga kanunug/kalapit na bansa
>> sa pamumuno ni Simon Bolivar,lumaya ang mga bansa sa Europa na dati ay nasa ilalim ng Espanya.
3. Kawalan ng matatag na pamahalaan
>> ang pamahalaan ng Espanya na pinamumunuan ng monarkiya ay nagpapalit kasabay ng pagpapalit ng namumuno.

        Pagkatapos ay binigyan kami ng isang gawain at pokus na tanong para sa buong markahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento