Biyernes, Marso 20, 2015
Para sa iyo
Unang tapak mo pa lang sa aming silid-aralan ay di ko inakalang ika'y aking hinusgahan dahil lahat naman ng tao ganoon ang ginagawa sa mga taong una pa lang nilang nakita. Sabi ko sasarili ko na masungit at strikto ka ngunit napalitan yun noong nakasama ka namin atnagsilbing guro sa Filipino.May mga pagkakataon na ika'y nagagalit,natutuwa at minsan naman tinatama mo ang bawat pagkakamali namin kahit yung simpleng pangunngusap at salita na mali ay iyong itatama kaya nagustuhan po kita.Ginagampanan mo ang pagiging isang guro mo. Sayo ko din po natutunan ito! ang guma wa ng blog at magisip ng kailangang ilagay dito kaya nga po inaabot ako ng ilang oras dahil sa pagiisip atnatatakot po ako na baka magkamali ang ibang salita at iyong mapuna subalit napaisip ako na bakit ako matatakot na magkamali kung mayisang tao naman na handang itama iyon at matuto ako sa mali ko. Kaya po para sa iyo toGusto ko lang po na sabihin na huwag kangmagbago, ipagpatuloy niyo po ang mga nasimulan niyo at huwag sumuko kahit na maraming problema ang iyong hinaharap.Mahal ka po namin at naging parte ka po ng buhay ko kaya ikaw ay mahalaga sa akin.Maraming salamat sa lahat-lahat pati ang mga kaalaman na ibinahagi mo ay aking lilikumin at gagamitin upang sa ganoon ay maging matagumpay ako sa hinaharap kaya maraming salamat po di po kita makakalimutan.
K-12! Ano nga ba para sa akin?
Naaalala ko pa noong nasa ika-anim na baitang
ako usap usapan ang "k-12 curriculum" na
kinaayawan ko dahil sa mga taong nagsasabing
pangit daw yun, na papahirapan lang kaming
mga estudyante kaya may oras din na ngamba
ako na baka totoo ang sinasabi nila at akala ko
nung papasok na ako sa Mambugan NHS
matatawag ako bilang isang hayskul ngunit
nagkamali ako. Ako pala ay isang estudyanteng
nasa ika-pitong baitang kaya ang pumasok sa
isip ko ay natuloy ang binalak na curriculum.
Sa una ayaw ko dahil nahihirapan ako sa
kakulangan ng batayang aklat dahil wala pa
daw yung bagong libro.Lumipas ang
araw,buwan at taon,ngayon magaapat na taon
na ako sa paaralang pinapasukan ko at kasabay
noon ang unti-unti kong pagtanggap sa K-12
Curriculum.nagustuhan ko ito dahil mas
lumawak ang kaalaman namin at mas 'advance'
yung mga pinagaaralan namin.Nakakastress
man dahil sa dami ng ginagawa ngunit
natutuwa pa rin ako at may malaki itong
naitulong sa akin. May mabuting dulot din pala
ang pagpapalit ng Curriculum at masaya ako
dahil ako ay isa sa mga estudyanteng
pinagpalang makaranas nito.Napagtanto ko rin
na dapat huwag natin intindihin at huwag
tayong mangamba sa mga sinasabi ng iba kapag
di pa natin ito nasusubukan o nararanasan.
Di malilimutang karanasan
Naaalala ko pa yung mga panahong
labis ang aking pagaalala dahil sa mga tanong sa aking isipan noong pasukan.
Tulad ng kung masungit ba ang aming mga magiging guro,kung magiging masaya ba
ang taon namin sa ika-9 na baitang at marami pang iba. Oras,araw at mga buwan
ang lumipas maraming bagay ang nangyari,maraming pagsubok at problemang
dumating sa amin ngunit walang sumuko dahil alam naming malalagpasan namin ang
mga iyon. May kataga pa nga kaming ginawa yun ay ang "Walang Titibag"
at amin itong pinaninindigan. Naalala ko rin yung mga panahong grabe ang aming
pagkagahol dahil sa dami ng mga pelikulang kailangan naming gawin. Mga
aktibidad sa paaralang kailangan naming tapusin na kahit sabado o mga araw na
wala kaming pasok ay may ginagawa pa rin kami. Naisip ko nga na nawawalan na
kami ng oras para sa ibang bagay dahil sa mga gawaing pampaaralan.
Kaya naman bawat segundo ay
mahalaga sa amin at dapat di sayangin upang madali kaming matapos. Hindi ko rin
masabi kung nagsasawa ba kami sa isa't-isa dahil simula pa lang ng hayskul ay
magkakaklase na kami pero ganun pa rin,walang nagbago siguro'y masaya kami at
komportable sa isa't-isa. Sa mga Guro ko naman, akala ko nung una masusungit
ngunit sa paglipas ng buwan mas lalo ko sila nakilala, nalaman kung ano ang mga
katangian nila at naramdaman ko rin kung paano nila pinaparamdam sa amin kung
gaano kami kahalaga sa kanila kaya naman hindi ko sila makakalimutan pati ang
mga aral na kanilang tinuro sa amin at baka sa hinaharap ay amin itong magamit.
Kaya sa pagtatapos ko sa ika-9 na baitang hindi ko makakalimutan ang mga
masasayang pangyayari sa taong ito dahil siguro dito ko naramdaman ang huwag
sumuko, patuloy na lumaban,yung tumawa sa kabila ng maraming gawain,naging
malungkot at lahat ng dapat kong maramdaman. Dito ko
rin naranasan ang mging isang estudyanteng 'Cheff' na Artista pa.Nakakatuwang
isipin na sa loob ng ilang buwan naranasan ko kung paano hatiin ang oras ko sa
sobrang dami ng 'Schedule' at 'stress'. Naalala ko pa nga yung araw na
nagbebake ako pagkatapos nagshoshooting. Kaya napakahalaga ang mga alalang
nagawa ko sa taong ito kasama ang mga guro,kaklase at aking pamilya at ang
paaralang naging aking pangalawang tahanan ang naging saksi sa tuwa,galak,at
lungkot na aking naranasan. Malungkot man dahil sa loob ng ilang araw ay
matatapos na ang pagiging isang Grade 9 ko at sa sudunod na pasukan ay isa na
ako sa magsisilbing ate ng paaralan kaya ang mga alaala na aming nabuo kasama ng
mga taong nakapaligid sakin ay patuloy kong babaunin at aalalahanin ito at
mananatili ito sa aking puso't isipan gusto ko din na kapag dumating ang
panahon na isa na akong matagumpay na tao ay babalikan ko ang mga alaalang
ito.Kaya ipagpapatuloy ko ang aking mga nasimulan at bumuo pa ng mga alaala
kasama ang mga taong mahal ko at ng mga taong dadating pa sa buhay ko.
Linggo, Marso 15, 2015
Ikasiyam na Linggo
Dalawang araw ang nilaan para sa pagsusulit namin kaya naman wala kaming klase ng araw ng Martes.nang mga sumunod na araw ay tinalakay namin ang tungkol Kay Maria Clara.Nagkaroon din ng pagkukumpara sa mga babae noon at ngayon at kung paano kinagigiliwan ng mga dayuhan ang mga Pilipina. Nagkaroon din kami ng pangkatan patungkol sa kanya.Masasabi ko rin na mas maganda ang buhay ng mga kababaihan noon kaysa ngayon dahil noon ay may respeto pang natatanggap ang mga babae sa lipunan kahit wala sila boses para tumutol at humadlang sa mga bagay-bagay at isang malaking karangalan pag ikaw ay tinawag ng Maria clara sa Panahon ngayon dahil Isa ka sa mga kinakailangang irespeto at ingatan ng lipunan Kung nagkataon.Sa modernong Panahon at makanagong teknolohiya ngayon ay bihira mo na Lang makikita ang mga kauri ni Maria Clara.
Binigyan din kami ng tatlong tanong;
1. Paano ba maipapakita ang tunay na pagmamahal?
>> maraming pamamaraan upang maipakita ang tunay na pagmamahal Hindi lamang sa kasintahan,kaibigan at pamilya kundi pati sa ating bayan.Nariyan yung handa Mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para sa iyong minamahal Kahit na alam mong ika'y masasaktan.Tulad ng ginawa ni Maria Clara na pagpapalayang Kay linares para Lang maligtas Si Ibarra.Yung mas Pinili ni Elias ang bayan kaysa sumama Kay Salome dahil mas inisip Niya ang kapakanan ng kanyang minamahal.
>>pagpapakita din ng tunay na pagmamahal Yung Kahit wala kayong komunikasyon at malayo sa isa't-isa ay nananatili pa rin ang tiwala niyong dalawa Tulad Nina Ibarra at Maria Clara na Kahit magkalayo sila ay patuloy silang nagmamahalan.
2. Bakit Sinisimbolo ni Maria Clara ang mga katangian ng isang tunay na Pilipina Kung sa nobela siya ay inilarawan bilang isang maahinang babae?
>> dahil sa mga katangian ni Maria Clara sa nobela na tunay na nilahad at pinakita sa nobela Tulad ng mahinhin,mayumi at lahat ng magandang katangian ng isang babae Kahit Ida siyang mahinang babae ay nasa kanya pa rin ang pagiging isang tunay na Pilipina.
3.masasabi bang Si Sisa ay isang ulirang Ina?
>> opo,dahil Kahit na nabaliw siya ay Hindi nawala sa kanyang puso't isipan Si basilio at Crispin.
Ikawalong Linggo
Mga kabanatang may kaugnayan naman Kay Maria Clara at Sisa ang aming pinagusapan sa linggong Ito. Sisa ang isang mapagmahal na Ina at ang tanging kasalanan ay magkaroon ng malupit na asawa.Sinisimbolo ang larawan ng kawalan ng katarungan sa bansa at Kung paano Ito inabuso ng mga kastila. Maria Clara Mayuming kasintahan ni Ibarra at anak ni Padre Damaso Kay Donya Pia. Siya rin ay mutya ng San Diego.Sinisimbolo ang katangian ng tunay ng mga Pilipina. Sa dalawang tauhan na Ito ay labis akong napahanga sa katapangan na kanilang ginawa sa Kabila ng kanilang mahinang kakayahan sa nobela.
Ikapitong Linggo
Mga kabanatang may kaugnayan naman Kay Salome at Elias ang aming tinalakay upang mas lalo naming maintindihan ang buhay pagibig ni Elias.Naintindihan ko na tama lamang ang ginawa ni Elias na Hayaan na lamang Si Salome na umalis at pumuntang Mindoro upang sa ganon ay Di na madamay pa sa mga kaguluhan sa San DiegoSi Elias din ay katulad ni Ibarra na panagkait ang kapalarang makasama ang kanilang minamahal.Masasabi din na Pareho silang tapat na mangingibig. Si Crisostomo ay tapat Kay Maria Clara at Si Elias ay tapat sa kanyang bayan na handang mamatay makamit lang ang kalayaang inaasam.
Ikaanim na Linggo
Naging makulay at kapana-panabik ang linggong Ito dahil Kahit na kaunti Lang kami sa loob ng silid dahil ang Iba ay may ginagawa ay naging maganda naman dahil Nagkaroon kami ng Mock Trial Ito ay paglilitis Kay Ibarra at Elias tungkol sa pagpapalayang ginawa ni Elias Kay Ibarra bawat panig ay may mga abogado na magtatanong at maglilitis sa dalawang tauhan.pagkatapos ay nagbigay ng komento ang aming Guro patungkol doon.Pinanood din namin ang mga trailer na ginawa ng bawat pangkat kaugnay sa mga kabanata na kanilang Pinili.
Ikalimang Linggo
Ngayong Linggo ang paguulat ng bawat pangkat patungkol sa mga kabanatang naiatas sa kanila. Binigyan din namin ng pansin ang mga kabanatang may kaugnayan sa pagibig ni Ibarra at Amin itong pinagaralan at sinuri at nag iwan ng tanong na Si Ibarra ba ay mangingibig na biktima ng Panahon?. Pinagisipan ko ng Manutius ang tanong ng Ito at napagtanto ko na siya mga ay isang biktima.dahil wala siya ng ibang ginawa kundi magkaroon ng mabuting hangarin para sa mga mamamayan at bayan ng San Diego at umibig ng tapat Kay Maria Clara pati sa kanyang bayan Ngunit Hindi siya binigyan ng pagkakataon ng ipakita ang kanyang kakayahan dahil sa mga taong humahadlang sa kanya.
Ikaapat na Linggo
Naging masaya at kapana-panabik ang linggong ito dahil Nagkaroon kami ng Parade of the Characters na Kung saan ay ginaya namin ang paguugali pati na rin ang pagbigkas ng mga linya sa loob ng nobela at Amin itong inarte sa harapan.Mas lalo pang naging maganda dahil sa mga makukulay at magagandang damit na aming sinuot sa Gawai dahil dito ay nasiyahan sa amin ang aming Guro at nagbigay ng komento sa aming ginawa.Pagkatapos ay nagbigay muli siya ng Gawain Kung saan ay gagawa kami ng Liham tungkol sa isang kaibigan na ihahalintulad namin sa tauhan ng Noli Me Tangere.Nagsimula na rin ang paguulat ng pangkat isa tungkol sa kabanata 1-10 at maghahanda para sa pagsusulit.
Ikatlong Linggo
Ang aming tinalakay ay patungkol sa mga tauhan sa loob ng nobela.Bawat isa ay aming pinagaralan at binigyan ng mga simbolo,iniugnay din namin Ito sa mga taong may kaugnayan Kay Rizal.
Crisostomo Ibarra- nangarap makapagpatayo ng paaralan,tapat na mangingibig,at binatang nakapagaral sa Europa.
Elias- piloto at magsasakang tumulong Kay Ibarra para makalaya sa kanilang bayan at mga suliranin.
Kapitan Tyago-mangangalakal na taga-Binondo;Ama-amahan ni Maria Clara.
Padre Damaso- isang kurang pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na Panahon sa San Diego.
padre Salvi- kurang pumalit Kay padre Damaso,Nagkaroon ng lihim na pagtatangi Kay Maria Clara
Maria Clara-Mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra
Pilosopo Tasyo- Maalam na matandang tagapayo ng marunong na mayayaman sa San Diego
Sisa- isang masintahing ina na ang tanging pagkakamali ay ang magkaroon ng malupit na asawa.
Basilio at Crispin- magkapatid na anak ni Sisa mga sakristan.
Alperes- ang kaagaw ng kura sa kapangyarihan
Tiya Isabel- hipag ni Kapitan Tyago na tumulong sa pagpapalaki Kay Maria Clara.
Donya Consolacion- napangasawa ng alperes,dating labandera na may malaswang pananalita at paguugali.
Donya Victorina- babaeng nagpapanggap na meztisang kastila Kung kaya't abo't abo't ang kolorete sa mukha.
Ikalawang Linggo
Ngayong linggo ay nag bigay ang aming Guro ng pagsasanay.Nagkaroon din kami ng isang maikling pagdedebate patungkol sa Kung dapat o Di dapat ginamit ni Rizal ang panulat. Hinati kami sa dalawang panig ang isa ay dapat at ang isa ay Di dapat. Natapos ang aming Oras ng may magadang resulta dahil Ang bawat isa ay nagbibigay ng pangangatwiran.May Iba na sumasangayon sa bawat pahayag at ang Iba ay Hindi.Ngunit Kung ako ang tatanungin ay Dapat lamang na ginamit ni Rizal ang panulat dahil mas inisip Niya ang kapakanan ng mga Pilipino na imbes na dumanak ang dugo dahil sa paghihimagsik ay mas binigyan Niya ng pansin Kung paano Niya sasabihin ang mga ginagawa ng kastila sa kanilang bayan at ito ay sa pamamagitan ng nobela man nakatulong upang mabuksan ang isipan ng mga Pilipino.
Unang Linggo
Sabik ako sa unang araw ng ikaapat na markahan dahil sasabihin ng aming Guro ang tungkol sa produktong kinakailangan naming gawin at yun ay ang Movie Trailer at Short Film kung saan ay kukuha kami ng isang kabanata sa Noli Me Tangere at gagawin namin itong palabas. Tinalakay din namin ang tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Nagmula sa salitang paligid na ang ibig sabihin ay ang pagkabuo ng isang akda.
A. Pagbagsak ng Espanya bilang kolonisador
1.pagkalugi ng Galeon Trade
>> ito ay dahil sa mga pirata.
2. Paghihiwalay ng mga kanunug/kalapit na bansa
>> sa pamumuno ni Simon Bolivar,lumaya ang mga bansa sa Europa na dati ay nasa ilalim ng Espanya.
3. Kawalan ng matatag na pamahalaan
>> ang pamahalaan ng Espanya na pinamumunuan ng monarkiya ay nagpapalit kasabay ng pagpapalit ng namumuno.
Pagkatapos ay binigyan kami ng isang gawain at pokus na tanong para sa buong markahan.
Ikaapat na Markahan
Katatapos lamang ng aming pagsusulit para sa ikatlong markahan kaya naman natutuwa ako dahil may bago na naman kaming tatalakayin at yun ay ang Noli Me Tangere nakakagalak dahil magbabalik kami sa Panahon ni Dr. Jose Rizal at pauusapan ang mga pangyayari Sa kanyang buhay na aming ihahambing sa nobelang kanyang ginawa para Sa ating mga ninuno upang mabuksan ang isipan nila Sa mga ginagawang pagaalipusta at pagsasamantala ng mga kastila Sa ating bayan maging at Sa mga Pilipino yun ay ang Noli Me Tangere.
Biyernes, Enero 9, 2015
Repleksyon III
Ngayong linggo ay nagbalik aral kami tungkol sa pagpapasidhi ng damdaamin.tinalakay din namin ang Sanaysay,elemento nito,pati na rin ang uri ng apat na teksto.Sumunod ay ang synopsis at pangangatwiran.
Pangangatwiran
ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhanang kanilang pananalig o ppaniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pamamayag.
DAHILAN NG PANGANGATWIRAN
1.) Mabigayang linaw ang isang mahalaga at napapanahong usapin at isyu.
2.) Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3) Makapagbahagi ng kanyang kaalaman bilang tao.
4) Maipahayag ang sariling saloobin o pananaw.
5.) Mapanatili ang maayos na ugnayan sa kapwa.
DAHILAN NG PANGANGATWIRAN
1.) Mabigayang linaw ang isang mahalaga at napapanahong usapin at isyu.
2.) Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3) Makapagbahagi ng kanyang kaalaman bilang tao.
4) Maipahayag ang sariling saloobin o pananaw.
5.) Mapanatili ang maayos na ugnayan sa kapwa.
Synopsis
Ang synopsis ay isang maikling kabuuan ng mahahalagang bahagi ng isang akda.Nagbibigay ito ngmga impormasyon tulad ng banghay,tema,paglalarawan sa mga tauhan,tagpuan sa paraang malinaw,tiyak,di maigoy upang ipakita ang kabuuan ng nobela.Sa pamamagitanng synopsis nagkakaroon tayo ng mga kaalaman kung tungkol saan ang nobelang babasahin o aklat na bibilhin.
Nakababagot basahin ang synopsis na ganito ang takbo "Ang unang pangyayari......pagkatapos.......susunod....." Hindi dapat na isa-isa ang paglalarawan ng mga pangyayari kundi paano maipapasok ang emosyon sa bawat pangyayari,paghihintay,pagkatakt,pagkalungkot,pag-asa,pananabik at iba pa.
Nakababagot basahin ang synopsis na ganito ang takbo "Ang unang pangyayari......pagkatapos.......susunod....." Hindi dapat na isa-isa ang paglalarawan ng mga pangyayari kundi paano maipapasok ang emosyon sa bawat pangyayari,paghihintay,pagkatakt,pagkalungkot,pag-asa,pananabik at iba pa.
Sanaysay
SANAYSAY
Ang sanaysay ay mula sa pariralang salaysay ng isang sanay.Ito ay ayon kay Alejandro Abadilla ang ama ng naturang katawagan.
Ang sanaysay ay tuluyang kathang agham na naglalahad ng kaalaman,kuro-kuro o damadamin sa isang maluwag,maguni-guni,pansarili,di-tapos,at di ganap na pamamaraan.
ELEMENTO
1.) PAKSA- May nilalayon at sentro ng ideya ng buong akda.Nakapaloob din ang saloobin ng may akda sa paksa.
2.)TONO- Maaring ang himig ay natutuwa,nasisiyahan,nagagalit,sarkastiko,naiinis,nahihiya at iba pa.
3.)KAISIPAN- Kailangan may mensaheng ipaparating sa mga mambabasa.Ang kaisipan ng akda ay hindi tuwirang binabanggitkundi ginagamitan ng pahiwatig para mailahad ito.
Sa pagbuo ng isang sanaysay ay kinakailangang may pamaksang pangungusap at mga pantulong na pangungusap upang maging maliwanag ang mensahe nito.
Ang pamaksang pangungusap ay tinatawag na pangunahing ideya.Ito ay ipinahahayag nang tuwiran sa loob ng talata.
Ang sanaysay ay mula sa pariralang salaysay ng isang sanay.Ito ay ayon kay Alejandro Abadilla ang ama ng naturang katawagan.
Ang sanaysay ay tuluyang kathang agham na naglalahad ng kaalaman,kuro-kuro o damadamin sa isang maluwag,maguni-guni,pansarili,di-tapos,at di ganap na pamamaraan.
ELEMENTO
1.) PAKSA- May nilalayon at sentro ng ideya ng buong akda.Nakapaloob din ang saloobin ng may akda sa paksa.
2.)TONO- Maaring ang himig ay natutuwa,nasisiyahan,nagagalit,sarkastiko,naiinis,nahihiya at iba pa.
3.)KAISIPAN- Kailangan may mensaheng ipaparating sa mga mambabasa.Ang kaisipan ng akda ay hindi tuwirang binabanggitkundi ginagamitan ng pahiwatig para mailahad ito.
Sa pagbuo ng isang sanaysay ay kinakailangang may pamaksang pangungusap at mga pantulong na pangungusap upang maging maliwanag ang mensahe nito.
Ang pamaksang pangungusap ay tinatawag na pangunahing ideya.Ito ay ipinahahayag nang tuwiran sa loob ng talata.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)